๐๐น๐ถ๐ฎ๐ ๐๐ฎ๐ป๐ฑ, ๐ง๐ฎ๐บ๐ฝ๐ผ๐ธ ๐๐ฎ ๐ข๐ฝ๐ฒ๐ป๐ถ๐ป๐ด ๐ฆ๐ฎ๐น๐๐ผ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐น๐ถ๐ฏ๐ผ ๐ฆ๐๐ผ. ๐ก๐ถรฑ๐ผ ๐๐๐ถ-๐๐๐ถ๐ต๐ฎ๐ป ๐๐ฒ๐๐๐ถ๐๐ฎ๐น ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ
Ni: Shaine Sorrosa
“Mapa Sabak Ka Diri sa Kalibo!”
Kalibo, Aklan — Mas pinainit pa ang paghahanda para sa taunang Kalibo Sto. Niรฑo Ati-Atihan Festival 2026 matapos ianunsyo na tampok ang sikat na Elias Band sa Opening Salvo na gaganapin sa darating na Oktubre 8, 2025.
Ayon kay Kalibo Mayor Juris Bautista-Sucro, sinagawa ang opisyal na anunsyo ng lokal na pamahalaan at Festival Committee ngayong linggo, na may temang “Mapa Sabak Ka Diri sa Kalibo!”
Dahil dito, inaanyayahan ni Sucro lahat ng Aklanon, bisita, at mga deboto na makiisa sa mas makulay at mas masiglang pagsisimula ng kapistahan para kay Sr. Sto. Niรฑo.
Maliban sa Elias Band, tampok din ag pagpapakilala sa 13 na finalists ng Binibini ng Kalibo Sto. Nino Ati-atihan Pageant.
Kinumpirma na din ng Elias Band sa kanilang Facebook page ang kanilang pagsalo sa Opening Salvo.
Ang Opening Salvo ay naging tradisyon na ng bayan ng Kalibo para simulan ang paghahanda sa pamosong ati-atihan festival tuwing enero na tinaguriang 'Mother of Philippine Festivals.'
Comments
Post a Comment