๐—ญ๐—ฒ๐˜‚๐˜€ ๐—ญ๐—ฒ๐—ถ๐—ป-๐—š๐—ถ๐—ฒ ๐—. ๐—–๐—ฎ๐˜€๐—ถ๐—บ๐—ฒ๐—ฟ๐—ผ, ๐—ฆ๐—ถ๐—น๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ ๐— ๐—ฒ๐—ฑ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐˜€๐˜ ๐˜€๐—ฎ ๐—ง๐—ฎ๐—ฒ๐—ธ๐˜„๐—ผ๐—ป๐—ฑ๐—ผ ๐—–๐—ผ๐—บ๐—ฝ๐—ฒ๐˜๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—”๐—ป๐˜๐—ถ๐—พ๐˜‚๐—ฒ

 


Ni: Shaine Sorrosa

Ibajay, Aklan- Isang karangalan ang naiuwi ni Zeus Zein-Gie J. Casimero, estudyante ng Jose Doromal Taekwondo Gym – Ibajay Branch, matapos siyang magwagi ng silver medal sa Taekwondo competition na ginanap ngayong Hulyo 19 sa Binarayan Sports Complex Gymnasium, San Jose, Antique.

Lumaban si Zeus bilang bahagi ng mga kinatawan ng kanilang training center. Sa kabila ng pagiging bago sa larangan ng taekwondo, ipinamalas niya ang husay, disiplina, at determinasyon sa laban, dahilan upang makamit ang ikalawang puwesto sa kanyang kategorya.
 
Ayon sa kanyang mga magulang, hindi rito nagtatapos ang kanyang paglalakbay sa taekwondo. Plano nilang isali si Zeus sa Municipal Meet, at kung papalarin ay makararating din siya sa Provincial Meet. Patuloy nila itong susuportahan upang lalo pang mapaunlad ang kanyang talento at pagmamahal sa isport.
 
Ang Jose Doromal Taekwondo Gym – Ibajay Branch ay patuloy na sumusuporta at nagsasanay ng mga kabataang may interes sa martial arts, at ang pagkapanalo ni Zeus ay isa lamang sa mga bunga ng kanilang pagtutulungan.

Comments

Popular posts from this blog

Two Aklanon teen stars in a nationwide theater showing

FDCP, PACE partner for film educators’ training in Mapรบa