Kris dinala ng ambulansiya sa ospital
Ni: Dindo Balares
May bad news at may good news.
Unahin na agad natin ang bad news, para happier ending tayo later sa good news.
Last Saturday, lima ang tumawag at nagtanong -- apat na mga kaibigan sa press at auntie ko ang isa pa.
Sa unang nagtanong pa lang, muntik na akong tubuan ng nerbiyos! Parang yumanig ang Earth at bigla akong nahilo. Kung totoo raw ang information na nakarating sa editorial desk nila.
Si Kris Aquino raw, dead na.
Paanong 'di nenerbiyusin, ilang araw kaming 'di nagkontakan ni Krisy after ng successful surgical procedure sa kanyang blood clots.
Kasi, okay naman na, unlike 'pag may emergency or critical situations na kailangang nakaantabay o nakaalalay.
Halimbawa, kahit nagtatanim ako sa Bicol -- inuumpisahan kong magpalaganap regenerative farming sa aming upland community -- may mga araw na 'di puwedeng magtagal sa lugar na walang signal. Kailangang nasa tabi lang ang phone. Ayaw kong natatagalan ang reply kung may messages si Kris.
Sa bagong taniman pa naman na binuksan namin this year, signal dead spot!
So, since successful ang operation at nagbabawi na ng lakas at kalusugan si Kris, namundok na uli ako at nagtanim nang nagtanim.
Pagkatanggap ko sa unang tawag, nangumusta ako agad sa isa sa mga nag-aalaga kay Kris.
Ang sagot sa akin: "Sleeping po."
Saka lang ako nakahinga ng maluwag.
Nagkakontakan kami ni Krisy sa messaging app kinagabihan, and yes, good news, she's really alive!
Sinabi ko ang kumakalat na death hoax sa ilang diyaryo.
"Maybe coming from here," reply niya na sinundan ng pictures na kuha sa kanya sa hospital bed. "You know my BP (blood pressure) was going crazy. My WBC (white blood cells) dropped. Waiting for my doctors to explain."
Nag-send siya ng photos kuha sa resulta ng kanyang blood pressure monitor.
"My BP NOW. Scary," mensahe niya. "When I reached 172/112 - I told Alvin to call St. Luke's for an ambulance."
Kasunod ang isa sa mga katangiang minamahal ng buong pamilya kay Kris.
"I don't want you to worry, kuya Dindo. Kaya pa."
Pambihira! Si Kris, laging ganyan! Siya pa ang laging nagbibigay ng comforting words!
In high spirits si Kris, dahil:
"They checked if i had more blood clots. The good news- the blood clot that required for the surgery, thank you for the prayers, has shrunk significantly."
Hayun, dahil sa good news niyang ito, unli-kuwentuhan kaming dalawa hanggang sa nakatulog na pala akong hindi ko alam at nagising na hawak ang phone. Sorry agad ang message ko sa kanya kinaumagahan. 
Para sa kanyang followers, please don't worry. Marami pa ring dinaramdam at ginagamot kay Kris. Pero lagi pa ring matapang sa buhay. Siya na mismo ang nagsabi, kaya pa!
(Marami pang susunod na posts.)

Comments
Post a Comment