𝗔𝘁𝗹𝗲𝘁𝗮𝗻𝗴 𝗠𝗮𝗱𝗶𝘀𝗸𝗮𝗿𝘁𝗲: 𝗜𝗻𝘀𝗲𝗻𝘁𝗶𝗯𝗼 𝗠𝘂𝗹𝗮 𝘀𝗮 𝗣𝗔𝗟𝗔𝗥𝗢, 𝗚𝗶𝗻𝗮𝗺𝗶𝘁 𝗻𝗮 𝗣𝘂𝗵𝘂𝗻𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗡𝗲𝗴𝗼𝘀𝘆𝗼
By: Shaine Sarrosa
KALIBO, Aklan-Isang kabataang atleta mula sa Aklan Comprehensive High School ang hinangaan ng marami matapos gamitin bilang puhunan sa maliit na negosyo ang insentibong natanggap niya mula sa PALARO.
Ang kaniyang kwento ay nagbigay inspirasyon maging sa mga guro. Isa sa kanila ang nagbahagi na naalala niya ang kaniyang kabataan kung saan siya mismo’y nagbenta ng ice candy para may baon at pambili ng notebook at papel sa kabila ng kahirapan sa buhay.
Ang kwento ni Albert ay patunay na ang tunay na tagumpay ay hindi lamang nasusukat sa medalya o tropeo, kundi sa kung paanong ginagamit ng isang kabataan ang kaniyang talento at tiyaga upang maiahon ang sarili sa hamon ng buhay
𝑫𝒐𝒏'𝒕 𝒇𝒐𝒓𝒈𝒆𝒕 𝒕𝒐 𝒔𝒉𝒂𝒓𝒆 𝒂𝒏𝒅 𝒇𝒐𝒍𝒍𝒐𝒘 𝒕𝒉𝒊𝒔 𝒑𝒂𝒈𝒆 𝒇𝒐𝒓 𝒎𝒐𝒓𝒆 𝒖𝒑𝒅𝒂𝒕𝒆𝒔!

Comments
Post a Comment