𝗝𝘂𝘀𝘁𝗶𝗻𝗲 𝗖𝗮𝗿𝗹 𝗣𝗲𝗿𝘂𝗰𝗵𝗼, 𝗚𝗼𝗹𝗱 𝗠𝗲𝗱𝗮𝗹𝗶𝘀𝘁 𝘀𝗮 𝗧𝗮𝗲𝗸𝘄𝗼𝗻𝗱𝗼 𝗣𝗼𝗼𝗺𝘀𝗮𝗲 at 𝗝𝗼𝗵𝗻 𝗠𝗮𝘁𝘁𝗵𝗲𝘄 𝗖𝗮𝗹𝗶𝘇𝗼 𝗮𝘆 𝗻𝗮𝗴𝗽𝗮𝗸𝗶𝘁𝗮 𝗿𝗶𝗻 𝗻𝗴 husay 𝘀𝗮 𝗞𝘆𝘂𝗿𝘂𝗴𝗶 𝘀𝗮 𝗔𝗻𝘁𝗶𝗾𝘂𝗲!
Ni: Shaine Sorrosa
Ibajay, Aklan- Isang kahanga-hangang tagumpay ang naiuwi ng mga batang manlalaro mula sa Jose Doromal Taekwondo Gym – Ibajay Branch matapos nilang makasungkit ng sunod-sunod na medalya sa ginanap na Taekwondo Competition noong Hulyo 19, sa Binarayan Sports Complex Gymnasium, San Jose, Antique.
Nanguna sa listahan ng mga medalist si Justine Carl Perucho, 10 taong gulang at Grade 6 student ng St. Peter Parochial School, na nagtamo ng Gold Medal sa Poomsae category. Sa ilalim ng masusing pagsasanay sa J. Doromal Taekwondo Gym, ipinamalas ni Justine ang disiplina, pino at tamang porma, at matatag na determinasyon—na siyang nagdala sa kanya sa rurok ng tagumpay.
Hindi lang si Justine ang nagningning. Ilan pa sa kanyang mga kasamahan sa Poomsae category na nakapag-uwi ng medalya ay sina:
Poomsae Category –
Samantala, si John Matthew Calizo ay nagpakita rin ng kahusayan sa Kyurugi category at nagwagi ng Silver Medal. Sa matinding palitan ng galaw at puntos, pinatunayan niya ang kanyang lakas ng loob, bilis, at determinasyon sa laban.
Ang tagumpay na ito ay bunga ng disiplina, dedikasyon, at walang sawang suporta ng mga magulang at coaches ng Jose Doromal Taekwondo Gym – Ibajay Branch. Plano na rin ng kanilang grupo na lumahok sa mga susunod na kompetisyon gaya ng Municipal Meet at Provincial Meet, upang patuloy na mahasa ang talento ng mga batang manlalaro.


Comments
Post a Comment