Saloobin ni Elias Band sa mga Aklanon
Habang nagpe-perform si Elias J. Tv. , nauna munang nag-perform si Kenji. Pagkatapos ng isang kanta ni Elias, mahinahong nilapitan siya ni Kenji at nagpaalala:
"May simbahan sa gilid," sabay turo sa direksyon nito — isang simpleng paalala na puno ng respeto.
Dahil dito, agad na naging maingat si Elias. Nag-anunsyo siya sa audience na huwag muna silang magpakasobra sa kasayahan dahil nais niyang igalang ang presensya ng simbahan malapit sa venue.
Kaya't kahit madalas niyang kinakanta ang "Sabak Ka Diri" — isang kanta na karaniwan ay inaakyatan ng mga tao, lalo na ng mga kababaihan, upang makisaya sa entablado — pinili muna niyang kantahin na may pag paalala na wag muna aakyat bilang tanda ng paggalang.
Ipinakita niya na higit pa sa pagpapasaya ng tao, mas mahalaga sa kanya ang pagrespeto sa Diyos at sa banal na lugar. Natapos ang kanyang performance na puno ng dignidad, kababaang-loob, at tunay na malasakit sa kapwa.
Saludo po ako kay kenji — salamat sa pagiging mahinahon at maalalahanin. At saludo rin kay Elias sa kanyang malalim na respeto sa pananampalataya at sa mga tao.
Sana'y pagpalain kayo pareho, at manatiling matatag ang inyong samahan Elias Band FansClub


Comments
Post a Comment