饾棞饾棷饾棶饾槅饾椃饾棶饾椈饾椉饾椈 饾棛饾椂饾椆饾椇饾椇饾棶饾椄饾棽饾椏 饾棫饾棶饾椇饾椊饾椉饾椄 饾榾饾棶 饾棪饾棶饾椏贸饾椄 饾棪饾椀饾椉饾椏饾榿 饾棛饾椂饾椆饾椇 饾棛饾棽饾榾饾榿饾椂饾槂饾棶饾椆 饾煯饾煬饾煯饾煴
Ni: Shaine Sorrosa
Si Chandelmer Salido Ginoy, isang visual artist, dokumentarista, at photojournalist, ay lalahok sa prestihiyosong festival sa pamamagitan ng kanyang obrang "Yawa-Yawa."
Nagtapos si Ginoy ng BA Communication sa Aklan State University at dalawang ulit nang ginawaran ng Gawad Lente Award para sa kanyang makabuluhang kontribusyon sa larangan ng sining at midya. Layunin niyang mapanatili at maipakita ang lalim ng kulturang Pilipino sa pamamagitan ng mga kuwentong kanyang nililikha.
Dati rin siyang Operations Head ng Radio 101 News, at kasapi sa production team ng grupong Kabaean para sa pelikulang “Titulo,” na itinanghal na Best Film (ARB Category) sa PelikulAgraryo 2025.
Sa pagkilalang ito, muling pinatutunayan ni Ginoy na ang talento ng mga Ibayjanon ay maaring umangat at makilala sa mas malawak na entablado ng sining at kultura.

Comments
Post a Comment