Aklanon, namayagpag sa hanay ng swimming sa Camiguin

Camiguin- Isang binatang Aklanon ang kasalukuyang namamayagpag bilang iskolar ng Polytechnic University of the Philippines o PUP at isang varsity player sa hanay ng larong swimming. Si Piero Gabriel Recoter-Macaro ng New Buswang, Kalibo Aklan ay umani ng ilang medalya sa nakalipas na National State Colleges and Universities Athletic Association na ginanap sa lalawigan ng Camiguin noong April 23-24, 2025. Ginanap ang nasabing swimming competition sa Pedro Romualdez Sports Complex sa nasabing lalawigan. Ilan lamang sa nakopo na medalya ni Macaro ay bahagi eto ng over all champion ng mens swimming category, 4×100 Medley relay gold, at 4×200 freestyle relay bronze. Kasalukuyang nag-aaral si Macaro bilang first year sa kursong Information Technology sa PUP. Nagpasalamat naman ang mga magulang nito sa nag coach kay Macaro sa Aklan sa hanay ng swimming na si Eric Valencia. Si Valencia ay kilalang swimming mentor ng Aklan ASSA Sea Dragons.