Ogie Diaz pinuri ang nanay ni Bam Aquino sa masigasig na pangangampanya para sa anak
Pinuri ng entertainment reporter at talent manager na si Ogie Diaz si Melanie Aquino, ina ng dating senador at independent senatorial candidate na si Bam Aquino, dahil sa kanyang walang sawang pagsuporta at masigasig na pangangampanya para sa kanyang anak sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
“Nakakatuwa ‘yung nanay ni Bam Aquino, ang sipag mangampanya para manalong Senador ang anak,” post ni Diaz sa kanyang Facebook page kasabay ng pag-share sa video ni Melanie habang nangangampanya.
“Wag kang mag-alala, mommy! Kahit hindi ko pa po kayo nakikita at nakakamayan, iboboto ko po si Bam Aquino #5 sa balota,” dagdag pa ni Diaz, na nauna nang nagpahayag ng kanyang suporta kay Aquino sa kanyang YouTube show na Ogie Diaz Showbiz Update.
Tinaguriang “Volunteer No. 001,” kamakailan ay bumalik si Melanie sa kanyang bayan sa Davao City upang ikampanya ang kanyang anak. Nakapag-ikot na rin siya sa iba’t ibang lungsod sa Metro Manila gaya ng Pasay, Quezon City, at Parañaque, pati na rin sa kalapit na probinsya ng Laguna, upang kumbinsihin ang mga botante na piliin si Bam sa darating na halalan sa Mayo.
Kasama ang mga kaibigan at mga volunteer, matiyagang nag-iikot si Melanie sa kabila ng matinding init para mamigay ng leaflets at makipag-usap sa mga tao para ipaliwanag kung bakit nararapat iboto si Bam.
Lubos naman ang pasasalamat ni Bam Aquino sa dedikasyon at suporta ng kanyang ina, maging sa mga kaibigan nitong sumasama sa kampanya.
“Lord, thank you for my mom. Malaking inspirasyon siya sa aking kampanya ngayon. At sobrang nagpapasalamat ako sa kaniya at sa kaniyang mga kaibigan sa Ladies of Charity na kumakayod para ipakilala at ikampanya tayo,” pahayag ni Aquino sa kanyang Facebook post.
Tulad ng mga naunang kampanya ni Aquino noong 2013 at 2019, inaasahang lalo pang paiigtingin ni Melanie ang kanyang pangangampanya sa iba’t ibang lugar habang papalapit ang araw ng halalan.

Comments
Post a Comment