Ogie Diaz pinuri ang nanay ni Bam Aquino sa masigasig na pangangampanya para sa anak

Pinuri ng entertainment reporter at talent manager na si Ogie Diaz si Melanie Aquino, ina ng dating senador at independent senatorial candidate na si Bam Aquino, dahil sa kanyang walang sawang pagsuporta at masigasig na pangangampanya para sa kanyang anak sa iba’t ibang bahagi ng bansa. “Nakakatuwa ‘yung nanay ni Bam Aquino, ang sipag mangampanya para manalong Senador ang anak,” post ni Diaz sa kanyang Facebook page kasabay ng pag-share sa video ni Melanie habang nangangampanya. “Wag kang mag-alala, mommy! Kahit hindi ko pa po kayo nakikita at nakakamayan, iboboto ko po si Bam Aquino #5 sa balota,” dagdag pa ni Diaz, na nauna nang nagpahayag ng kanyang suporta kay Aquino sa kanyang YouTube show na Ogie Diaz Showbiz Update. Tinaguriang “Volunteer No. 001,” kamakailan ay bumalik si Melanie sa kanyang bayan sa Davao City upang ikampanya ang kanyang anak. Nakapag-ikot na rin siya sa iba’t ibang lungsod sa Metro Manila gaya ng Pasay, Quezon City, at ParaƱaque, pati na rin sa kalapit n...